^

Metro

Sub-leader ng Abu Sayyaf, timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga opera­tiba ng pulisya ang isang sub-­leader ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang operasyon sa Quezon City nitong nakalipas na linggo, ayon sa mga opisyal kahapon.

Sa press briefing, iprini­sinta nina Quezon City Ac­ting Police Director Police Colonel Ronnie Montejo at National Capital Region Police Office (NCRPO ) Director Police Major Gen. Guillermo Eleazar ang nasakoteng suspect na si Ibrahim Lambog Mullo, 26.

Nakumpiskahan din ito ng isang cal. 45 pistol at sling bag na naglalaman ng fragmentation grenade. Si Mullo ay nagtago sa pangalang Abimar Agi Ahaja upang ikubli ang tunay nitong pagkatao.

Sinabi ng opisyal na si Mullo ay kabilang sa tatlong miyembro ng mga teroristang Abu Sayyaf Group(ASG) na isinasailalim sa surveillance operation sa Metro Manila kung saan ang dalawang iba pa ay nasakote na noong Hulyo ng taon.

Hindi na nakapalag ang suspect matapos mapalibutan ng nag-operate na mga pulis.

Ikinatwiran naman ng suspect na nagtungo siya sa Quezon City upang asika­suhin ang kaniyang asawa na nanganak kama­kailan at sinabing nagtratrabaho na umano siya ng normal sa construction firm sa San Miguel, Bulacan na pag-aari ng tiyuhin ng kaniyang misis na ang housing project ay para sa Army Scout Rangers sa Kamias at Calumpang, Bulacan.

Base pa sa impormasyon sa intelligence network, si Mullo ay na-recruit ng Abu Sayyaf Sub Group (Ajang-Ajang) na nakabase sa Sulu sa pamamagitan ng social media ni ASG sub-leader alyas Commander Pading noong 2017 kung saan sumapi ito sa mga bandido sa pangakong tatanggap siya ng P 10,000 buwanang allowance.

Si Mullo ay tinukoy na isa rin umano sa mga suicide bombers sa Indanan, Sulu na kasamahan nina Norman Lasuca at isang alyas Mujir. Inamin ni Mullo na noong 2018 ay napagkasunduan nilang mag-asawa na magtungo sa Metro Manila para maghanap ng trabaho at mamuhay ng normal.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with