^

Metro

Senior citizen, isang linggong libre sa MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Senior citizen, isang linggong libre sa MRT-3
Ayon sa MRT-3-DOTr, kinakailangan lamang ng pasahero na magprisinta ng Senior Citizen ID o kahit na anong Identification Card na magpapatunay na siya ay 60-taong gulang pataas na upang maka-avail ang libreng sakay.
Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na simula kahapon ay nagkaloob sila ng isang linggong libreng sakay sa mga matatanda o senior citizen.

Ito’y bilang pakikiisa sa taunang selebrasyon ng Elderly Filipino Week.

Sa abiso ng MRT-3 at  Department of Transportation (DOTr), ang libreng sakay ay sinimulang ipatupad mula alas-5:00 ng madaling araw kahapon, Oktubre 1, at magtatagal hanggang alas-10:30 ng gabi ng Oktubre 7, Lunes.

Ayon sa MRT-3-DOTr, kinakailangan lamang ng pasahero na magprisinta ng Senior Citizen ID o kahit na anong Identification Card na magpapatunay na siya ay 60-taong gulang pataas na upang maka-avail ang libreng sakay.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula Taft Avenue, Pasay City hanggang North Avenue, Quezon City at vice versa.

 

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with