^

Metro

Mister utas sa ambush ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mister utas sa ambush ng tandem
Iniimbestigahan ng mga tauhan ng PNP- SOCO ang labi ng isang mister na inambush ng riding in tandem sa Langka St. sa panulukan ng Pajo sa Brgy. Quirino sa Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister matapos na tambangan at pagbabarilin ng riding-in tandem sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Joffrey Pastolero, 51, mekaniko, na nakatira sa Brgy. Quirino, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-10:55 ng umaga sa panulukan ng Nangka St., corner Pajo St., sa lungsod.

Ayon sa report, sakay ang biktima ng kanyang kulay green na kotse nang abangan at lapitan ng dalawang suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tiniyak ng mga suspek na patay na ang biktima bago nila ito iniwan at tuma­kas sakay ng isang motorsiklo.

Sinabi ng mga testigo, kapwa nakasuot ng itim na jacket at helmet ang dalawang suspek kaya hindi nila mailarawan ang kanilang mga mukha.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa masusing im-bestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang mga salarin, mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang mga ito.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with