^

Metro

Chinese national kalaboso sa mga bala at ‘droga’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang Chinese national na hinihinalang gumamit ng ilegal na droga sa loob ng nirenta-hang hotel room kung saan nasamsaman pa ito ng mga bala, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Nakilala ang nadakip na si Yin Xuan Sun, 22 , tubong Chengdu, Sichuan, China.

Sa ulat ng Pasay City Police, alas-7:10 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag buhat sa staff ng isang hotel sa may FB Harrison Extension, Brgy. 75 Zone 10, at humihingi ng responde.

Inireklamo ng pamunuan ng hotel ang masangsang na amoy na nagmumula sa loob ng isa nilang kuwarto na inupahan ng nasabing dayuhan.  Kasama ang mga staff ng hotel, binuksan ang kuwarto gamit ang spare key at dito nadiskubre ang pagkagulo-gulong hitsura ng loob ng kuwarto kung saan may mga nabubulok nang mga pagkain.

Dito rin nadiskubre ang ilang bukas na plastic sachet na may bakas ng puting pulbos na pinaniniwalaang shabu habang isang kahon na naglalaman ng 21 piraso ng bala ng hindi pa makumpirma na kalibre ng baril ang natagpuan din.

Agad na ipinatupad ng mga pulis ang pag-aresto kay Yin na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act.

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with