100% obstruction free na ang Quezon City – Mayor Joy Belmonte
MANILA, Philippines – Isang-daang porsiyentong obstruction free ang mga lansangan sa Quezon City.
Ito ang sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte bilang pagtalima ng lokal na pamahalaan sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maipatupad ang clearing operations sa mga local govt. units sa loob ng 60 araw.
“Quezon City is 100 percent done in its clearing operations. For the past weeks, the QC local government through its Task Force 60 Days has been persistent in its efforts to comply with the rules of the DILG in this operations,” pahayag ni Belmonte.
Sinabi rin ni Belmonte na maging ang mga kalsada na hindi kasama sa talaan ng DILG ay malinis na ring lahat sa nakakasagabal sa mga lansangan partikular sa mga sidewalks.
“Actually, we went over and beyond what was required by also clearing streets that are not on the list. A total of 152 roads and streets were cleared from obstructions and illegal structures including national roads and Mabuhay Lanes traversing the city such as Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, Quirino Avenue and Katipunan Avenue, among others Many side streets and secondary roads were also cleared during the process,” sabi pa ni Belmonte.
Ang paglilinis sa mga lansangan ay upang maibalik sa mga tao ang sidewalks at matulungan ang pamahalaan na maibsan ang matinding trapik sa Metro Manila.
Sinabi ni Belmonte na kahit natapos na ang 60 days deadline para sa clearing operations ay patuloy ang gagawing pagmomonitor at paglilinis sa mga kalsada upang matiyak na hindi na magsisibalikan pa sa kalsada ang mga natanggal na mga obstruction.
- Latest