^

Metro

Big time oil price hike, kinondena

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

 Ayon kay Piston President George San Mateo, isang malaking kalokohan ang ipinatupad na big time oil price hike  dahil  lamang sa naganap na kaguluhan sa Saudi Arabia partikular ang pagpapasabog sa oil facilities sa naturang bansa.

 “Hindi naman bagong bili na stock ang krudo at gasoline na  naibebenta ng mga oil companies, bakit nagtaas agad sila at napakataas pa,”  pahayag ni San Mateo.

 Nitong Martes ay nagtaas ang mga kompanya ng langis ng P2.35 kada litro ng  gasolina, P1.80 kada litro sa diesel at P1.75 kada litro sa kerosene.

 Bunga nito, nanawagan ang Piston sa pagbasura sa oil deregulation law at imbestigahan ang overpricing at pagkakartel umano ng mga malalaking dayuhang kompanya ng langis sa bansa.

 Anya, panahon na upang maipatupad ang regulasyon at unbundling sa pagtatakda ng halaga ng petroleum pro­ducts sa ating bansa.

vuukle comment

OIL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with