^

Metro

16 barangay tinamaan ng Dengue outbreak State of Calamity, idineklara sa Parañaque

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
16 barangay tinamaan ng Dengue outbreak State of Calamity, idineklara sa Parañaque
Kabilang sa mga barangay na tinamaan ng maraming kaso ng dengue ang Brgys. Baclaran, Don Galo, La Huerta, San Dionisio, San Isidro, Santo Niño, Tambo, Vitalez, BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, at Sun Valley.
File

MANILA, Philippines — Nagdeklara ng state of calamity ang Pa­mahalaang Lungsod ng Parañaque makaraang 16 barangay sa lungsod ang tinamaan ng dengue outbreak.

Kabilang sa mga barangay na tinamaan ng maraming kaso ng dengue ang Brgys. Baclaran, Don Galo, La Huerta, San Dionisio, San Isidro, Santo Niño, Tambo, Vitalez, BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, at Sun Valley.

Pinakahuling isinama sa listahan ang Brgy. Martin de Porres, ayon kay Parañaque City Administrator Fer-nando “Ding” Soriano.

Sinabi pa ng city official na apat na ang nasasawi sa lungsod mula nitong Enero hanggang Setyembre 21, base sa datos ng City Health Department.

Ang deklarasyon ay aprubado ng Para­ñaque City Council base sa rekomendas-yon ng City Risk Reduction and Management Office.

Sa kasalukuyang mahigpit na mino-monitor ng City Health Department maging ng Department of Health ang naturang mga barangay upang ma-solusyunan ang pagkalat ng sakit at tuluyang masugpo ito.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with