^

Metro

Big-time oil price hike, lumarga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Big-time oil price hike, lumarga
Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines at Chevron ang dagdag presyo na P2.35 sa kada litro ng gasolina, P1.80 kada litro ng diesel, at P1.75 sa kada litro ng kerosene epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.
File

MANILA, Philippines — Nagpatupad na ang mga kompanya ng langis ng malakihang ‘oil price hike’ at ang itinuturong dahilan ay ang naganap na pag-atake sa dalawang malaking planta ng krudo sa Saudi Arabia.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines at Chevron ang dagdag presyo na P2.35 sa kada litro ng gasolina, P1.80 kada litro ng diesel, at P1.75 sa kada litro ng kerosene epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng big-time oil price hike ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Magugunita na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.35 sa kada litro ng gasolina, P0.85 kada litro ng diesel, at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

Dahil dito, nagpatawag ng pulong ang Department of Energy sa mga oil players sa bansa. Tumutok ang diskusyon sa mahigpit na implemen-tasyon ng Minimum Inventory Requirement (MIR), na katumbas ng stock ng petrolyo na tatagal ng 30 araw sa mga oil refineries, 15 sa mga bulk marke-ters at pitong araw sa mga “liquefied petroleum gas players.”

Una nang tiniyak sa publiko ng DOE na may sapat na suplay ang bansa ng krudo dahil sa imbentaryo na tatagal ng isang buwan. Kinondena ng iba’t ibang sektor ang malaking pagtataas dahil sa argumento na hindi pa dapat magpatupad ng pagtataas ang mga kompanya dahil dapat ibase pa ang presyo sa mga buffer stock.

Una na ring sinabi ng Saudi na agad nilang naremedyuhan ang ope­rasyon ng kanilang mga planta 24 na oras matapos ang pagsalakay at unti-unti nang umaayos ang kanilang operasyon at suplay ng krudo.

Plano rin ng DOE na magpatupad ng “staggered oil price increase” para hindi gaanong maramdaman ng mga motorista ang dagdag-presyo.

vuukle comment

OIL PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with