^

Metro

Sex den na pinatatakbo ng mga Chinese sinalakay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sex den na pinatatakbo ng mga Chinese sinalakay
Ang may 53 babaeng Chinese na nagsisilbing sex workers sa sinalakay na sex den sa isang underconstruction condominium sa Parañaque City kahapon. Sinasabing pinapatakbo ng mga Chinese ang nasabing sex den.
Kuha ni Miguel De Guzman

51 babaeng Chinese nasagip

MANILA, Philippines – Sinalakay ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Parañaque City Police ang isang gusali na ginagawang prostitution den ng Chinese human trafficking syndicate kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Sa ulat, alas-11:45 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ang ikatlong palapag ng ginagawang Diamond Bay Tower na nasa Ro­xas Boulevard sa Brgy. Baclaran, ng naturang lungsod.  Kasama sa pagsalakay ang Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa pangu­nguna ni Mayor Edwin Olivarez at ng Bureau of Immigration-Fugitive Section.

Dito naaktuhan ng mga pulis ang mga lalaking Chinese natio­nals na kustomer at mga babaeng Chinese  rin na nagtatrabaho bilang sex workers.

Kabilang din sa mga nadakip ang siyam na lalaking Chinese at apat na babaeng Chinese na mga tauhan ng sindikato.  May pito ring Pinay ang naaktuhan sa lugar na  nagtatrabaho bilang utility workers na magsisilbing mga saksi laban sa sindikato.

May 51 ding mga babaeng Chinese na nagsisilbing sex workers ang nasagip.

Sinabi ni NCRPO Director P/Maj. Gen.Guillermo Eleazar na ang operasyon ay may kaugnayan sa unang sinalakay na sex den sa Brgy. San Antonio sa Makati City nitong Set­yembre 4. Dito nakalap ang impormasyon ng iba pang sex den ng isang internasyunal na sindikato ng human trafficking.

Nagkasa ng casing at surveillance operation ang pulisya hanggang sa magpositibo ang lugar sa presensya ng mga sex for sale.

Isinasagawa umano ang transaksyon sa pamamagitan ng mobile application na “We Chat” na ginagamit sa booking ng sindikato. Nagkakahalaga ang sex service mula P9,000 hanggang P21,000 kung saan sa 37 kuwarto at pitong VIP rooms ginagawa ang pagtatalik.

Sinabi naman ni Mayor Olivarez na ipinagtataka ng kanilang mga opisyales kung bakit labas-pasok sa establisimiyento ang mga Chinese gayung wala pang business permit at occupational permit ang naturang gusali.

 

vuukle comment

SEX DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with