^

Metro

Mahigit 50 baboy, pinatay sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kaugnay nito, ipinag-utos na ng QC Veterinary Office ang gradual phase-out ng mga piggeries sa lungsod na hindi naman akma para gawing babuyan o sa anumang agricultural purposes.
File

MANILA, Philippines — Matapos magpositibo sa African Swine Flu (ASF) ang may 11 namatay na baboy sa Barangay Bagong Silangan, may mahigit na sa 50 maysakit na baboy ang pinatay ng Quezon City government at inilibing upang maiwasang kumalat pa ang naturang sakit sa ibang lugar sa lungsod.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng QC Veterinary Office ang gradual phase-out ng mga piggeries sa lungsod na hindi naman akma para gawing babuyan o sa anumang agricultural purposes.

 Binigyan naman ng lokal na pamahalaan ng financial aid at livelihood assistance ang lahat ng mga apektadong piggery owners.

Upang hindi na umusbong muli ang swine flu sa Barangay Bagong Silangan, hiningi na ng QC government ang tulong ng QC Police para maglagay ng dagdag na checkpoints sa loob ng 1-kilometer radius sa parehong ground zeros -Oriole Extension at Area 5.

Paiigtingin naman ng City Veterinary Office ang monitoring sa mga pangunahing palengke sa Commonwealth, Balintawak, Mega Q-Mart at Novaliches at sa mga slaughterhouses upang maiwasan ang pagpasok ng mga ASF-infected meat at double dead meat.

Iniimbentaryo na rin ng lokal na pamahalaan ang mga piggeries sa lungsod para matamang bantayan at tiyakin ang kanilang compliance sa kasalukuyang protocols.

Bibigyan din ng kaalaman ang mga piggery owners tungkol sa sakit at kung paano maiiwasan ito.

 Tiniyak naman ng local na pamahalaan sa publiko na ligtas kainin ang mga panindang baboy at iba pang meat products sa mga palengke at iba pang pamilihan sa lungsod.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FLU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with