^

Metro

277 dayuhan timbog sa illegal online gambling

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 277 foreign workers ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa isang corporate center sa Ortigas kahapon.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inaresto ang mga nasabing dayuhan sa pangunguna ng BI  Fugitive Search unit (FSU)  katuwang ang mga tauhan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), Philippine National Police (PNP)’s Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), at Chinese Ministry of Public Security (MPS).

Nauna rito, naglabas ng mission order si Morente laban  sa target ng operasyon na apat na puganteng Chinese na wanted sa mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iba’t ibang krimen sa kanilang bansa.

Sa operasyon, dito nadiskubre na may 273 pa na Chinese national ang naaktuhang nagsasagawa ng illegal online operations kung saan ang mga ito ay pawang hindi mga dokumentado.

Nang isailalim sa beripikasyon ang mga dayuhan, nadiskubre na pawang mga pugante at wanted ang mga ito sa kasong large scale fraud at investment scam sa kanilang bansa.

Tiniyak naman ni Morente sa publiko na seryoso ang kanilang ahensiya sa kanilang kampanya laban sa mga dayuhang criminal na nais takasan ang kanilang kinakaharap na parusa at pag-uusig sa kanilang bansa.

vuukle comment

ONLINE GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with