^

Metro

6 kidnaper arestado: Trader, Grab driver nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6 kidnaper arestado: Trader, Grab driver nasagip
Ang nasagip na mga biktima ng kidnap for ransom na sina Alvin Bangug at Eugenio Santos habang sinasalaysay ang naging kalbaryo nila sa kanilang mga kidnappers.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines – Anim na pinaghihinalaang notoryus na mga kidnappers kabilang ang isang retiradong  Navy officer ang nasakote ng mga elemento ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) kasunod ng pagkakasagip sa negosyante at Grab driver na dinukot ng mga ito, sa operasyon sa Pasay City, ayon sa opisyal kahapon.

Sa press conference sa Camp Crame kahapon, iprini-sinta nina PNP-AKG Luzon Chief Police Lt. Colonel Villaflor Bannawagan at PNP-AKG Spokesman Lt. Colonel Elmer Cereno ang mga nasakoteng suspect.

Kabilang sa mga ito ay ang mga mastermind na sina ret. Navy officer Francis Reyes at seaman na si Melvin Culala; financier umano ng nasabing kidnapping group.

Arestado rin sa operasyon ang iba pang mga kasamahan ng mga ito na sina Nathaniel Aragon; Christopher Bagro; Rico Castillo at Reynaldo Parolina; mga spotters, taga-bantay, taga-bugbog at taga-negotiate ng ransom sa pamilya ng mga biktima.

Sa nasabing  operasyon  ay nasagip naman ang negos­yanteng si Eugenio Santos, 45, broker agent at kaibigan nitong Grab driver na si Alvin Bangug.

Sinabi ni Bannawagan na ang modus operandi ng grupo nina Reyes at Culala ay ang magpautang sa kanilang mga target kapalit ng collateral at mataas na interes.

Ayon sa opisyal,  kapag hindi nakapagbayad ang mga talunang casino player ay dudukutin ang mga ito, ipatutubos sa kanilang mga pamilya na tinatakot na papatayin ang biktima kapag hindi nakapagbayad ng inutang ng mga ito na halos doble ang patong.

Sinabi ni Cereno na ang modus operandi ng mga suspect ay kahalintulad ng mga Chinese loan shark gangs na target naman ang mga dayuhan partikular na ang mga Chinese   na dumarayo sa mga Resort Hotel Casino  sa bansa.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Santos ay ipinakilala lamang ni Bangug sa grupo ng mga suspect kaugnay ng plano ng mga itong pagnenegosyo ng sigarilyo na ang puhunan ay P2.3-M pero P2-M lang ang ipinautang sa negosyante ng mga suspect.

Dahilan sa kulang ay ipinanlaro ng mga ito ang pera sa casino pero natalo ang dalawa ng P1.2-M kung saan ang P600,000 ay naibili ng sigarilyo habang binawi ng mga suspect ang natitira pang P200,000 at bukod dito ay hinihingan pa ang negosyante ng P1.8-M bilang kabayaran habang inipit din ang titulo ng lupa at bahay nito na nagkakahalaga ng P8-M.

Ang mga biktima ay  kinidnap ng mga suspek sa loob ng isang resort/ casino  sa Parañaque City noong Setyembre 6 dakong alas-10:40 ng umaga kung saan ang mga ito ay dinala at isinakay sa van, piniringan saka dinala sa bahagi ng Cavitex.

Samantalang lingid sa kaalaman ng mga kidnappers  ay nakipag-ugnayan na ang misis ni Santos sa PNP-AKG at nasagip ang mga bihag  dakong alas-4 ng hapon matapos ang mga itong ibalik sa lugar.

Nahaharap ngayon sa kasong kidnapping with illegal detention ang mga nasakoteng suspect.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with