^

Metro

5 patay na baboy, itinapon sa creek

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
5 patay na baboy, itinapon sa creek
Ininspeksyon ng mga tauhan ng pulisya at Dept. of Agriculture (DA) ang mga patay na baboy na itinapon sa creek sa Area 5 sa Brgy. Silangan sa Quezon City ilang araw matapos kumpirmahin ng ahensya na African Swine Flu (ASF) nga ang sanhi ng pagkamatay ng ilang baboy sa karatig lalawigan.
Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines – Limang patay na baboy ang itinapon at natagpuang palutang-lutang sa isang creek sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng inanod sa creek ang mga naturang baboy na nadiskubre pasado alas-2:00 ng hapon sa Lingayen St., Area 5, Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Umaalingasaw na umano ang masangsang na amoy sa lugar at pangamba ng mga residente, posibleng magdulot ng sakit ang mga patay na baboy, na hinala nila ay dinapuan ng African Swine Flu.

Kaagad namang kinuha ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga patay na baboy upang masuri ang mga ito at matukoy kung ano ang posibleng ikinamatay nila.

Sinasabing mayroong mahigit na 100 hog raisers sa Quezon City, ngunit hindi pa matukoy kung sila ang nagtapon ng mga patay na baboy.

 

vuukle comment

BABOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with