^

Metro

Taxi nawalan ng preno: 10 katao inararo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taxi nawalan ng preno: 10 katao inararo
Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas- 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Pasig Boulevard, kanto ng Banaag St., sa Brgy. Pineda, Pasig City.
File

MANILA, Philippines – Inararo ng isang taxi na sinasabing nawalan ng preno ang 10 katao na ang dalawa ay sakay ng motorsiklo at ang iba ay nag-aabang ng kanilang masasakyan sa gilid ng kalsada sa Brgy. Pineda, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Pawang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan na ngayon ay ginagamot sa Rizal Medical Center at The Medical City ang 10 biktima.

Arestado naman sa mga tauhan ng Pasig City Police ang driver ng taxi  ( UWB-534 ) na si Roberto Marquez, 58.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas- 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Pasig Boulevard, kanto ng Banaag St., sa Brgy.  Pineda, Pasig City.

Minamaneho ni Marquez ang kanyang taxi patu­ngong Southwest direction ng Pasig Boulevard nang bigla na lang umano itong mawalan ng preno.

Dahil dito, nabangga ng taxi ang hulihang bahagi ng dalawang kasabayang motorsiklo, sanhi upang sumemplang ang mga ito at masugatan ang mga sakay na riders.

Nagtuluy-tuloy pa ang taxi at nasagasaan nito ang mga pasahero na naghihintay lamang ng masasakyan sa lugar.

Kaagad namang isinugod sa mga nasabing pagamutan ang mga biktima upang malunasan, habang naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek, na nakatakdang sampahan ng reckless imprudence resulting in multiple injuries and damage to property sa piskalya.

vuukle comment

PRENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with