^

Metro

Angkas driver at kasama, arestado sa P.3 milyong droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Angkas driver at kasama, arestado sa P.3 milyong droga
Batay sa ulat, tinangka pa umanong pumalag ng mga suspek nang arestuhin ng PDEA sa Kanlaon St., Brgy. Sta. Teresita, QC, dakong alas-4:10 ng hapon.
File

MANILA, Philippines – Dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Angkas driver at kasama nito makaraang makumpiskahan ng umaabot sa P340, 000 halaga ng shabu sa Quezon City sa isang buy-bust operation kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Atty. George Paul Alcovindas, Officer-In-Charge ng PDEA RO-NCR, ang mga suspek ay nakilalang sina Ali Datukan Salim, 28, Angkas driver at Alsamer Mohammad Yusop, 19, kapwa residente ng lungsod ng Maynila.

Batay sa ulat, tinangka pa umanong pumalag ng mga suspek nang arestuhin ng PDEA sa  Kanlaon St.,  Brgy. Sta. Teresita, QC, dakong alas-4:10 ng hapon.

Ang pagdakip ay isinagawa matapos ang tatlong linggong surveillance nang makipag-transaksiyon ang isang undercover PDEA Agent na tumayong buyer sa mga suspek, nang makumpirma ang ilegal nilang aktibidad.

Nagpositibo naman ang transaksiyon na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang nakabuhol na transparent plastic na naglalaman ng shabu, at tumitimbang ng 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000.

Sinabi sa ulat na ginagamit ng mga suspect ang Angkas sa kanilang pagdedeliber ng droga sa kanilang mga kliyente.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga suspek sa PDEA Detention Facility (PDF) habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5, of Article II ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at direct assault na isasampa laban sa kanila sa piskalya.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with