^

Metro

Traffic enforcer sa Pasig, huli sa kotong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Traffic enforcer sa Pasig, huli sa kotong
Nakapiit na ang suspek na si Rente Caberto, 36, ng Traffic Parking Management Office ng Pasig City, at nakatakdang sampahan ng kasong robbery extortion sa piskalya, matapos arestuhin ng mga alagad ng batas, habang aktong tinatanggap ang P500 marked money na ibinigay sa kanya ng mga complainant na sina Gerald Viernes, 34, at Marco Leoberda, 30, kapwa security guard, dakong alas-6:00 ng gabi kama­kalawa, sa IPI Ortigas Avenue Extension, Brgy. Ugong.
File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang traffic enforcer makaraang mabitag sa isang entrapment operation ng mga awtoridad matapos ireklamo nang pangongotong ng dalawang security guard na una niyang hinuli dahil sa traffic violation ngunit malaunan ay hiningian umano ng pera at kinuhanan pa ng cellphone sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit na ang suspek na si Rente Caberto, 36, ng Traffic Parking Management Office ng Pasig City, at nakatakdang sampahan ng kasong robbery extortion sa piskalya, matapos arestuhin ng mga alagad ng batas, habang aktong tinatanggap ang P500 marked money na ibinigay sa kanya ng mga complainant na sina Gerald Viernes, 34, at Marco Leoberda, 30, kapwa security guard, dakong alas-6:00 ng gabi kama­kalawa, sa IPI Ortigas Avenue Extension, Brgy. Ugong.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nag-ugat ang pag-aresto sa reklamo ng mga biktima na umano’y hinuli ng suspek dakong alas-6:00 ng gabi habang magkaangkas sa isang motorsiklo sa kahabaan ng Ortigas Avenue dahil sa walang helmet ang isa sa kanila.

Matapos na ipaalam sa kanila ang nagawa nilang paglabag, sinabi umano ng suspek na maaari naman nila itong maayos sa halagang P2,000.

Pumayag naman umano ang mga guwardiya ngunit kulang ang dala nilang pera at P1,400 lang ang naibigay sa traffic enforcer.

Tinanggap umano ng suspek ang P1,400 ngunit kinuha pa umano nito ang cellphone ng isa sa mga biktima, at sinabing mababawi lamang nila ito kung maibibigay ang P500 na kulang nilang bayad.

Inabot muna ng isang linggo bago nagpasya ang mga complainant na magsumbong sa mga awtoridad.

Kaagad namang nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nabawi mula sa suspek ang cellphone na pag-aari ng isa sa biktima gayundin ang P500 marked money sa isinagawang entrapment operation.

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with