^

Metro

MRT nagtigil ng operasyon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Libu-libong commuters na-stranded sa EDSA

MANILA, Philippines — Libu-libong commuters ang naapektuhan at nahirapang maghanap ng alternatibong masasakyan sa kahabaan ng EDSA matapos na masuspinde ang biyahe ng buong Metro Rail Transit (MRT) 3 sa panibagong aber­ya ng tren nitong Biyernes ng umaga.

Ito’y sa gitna na rin ng rush hour kung saan libu-libong pasahero ang nagkumahog para sana humabol sa biyahe ng tren na karamihan ay papasok sa mga trabaho pero sinalubong ng karatula ng mga guwardiya at empleyado ng MRT 3 ng “ No operation “  at “Provisional repair on going”.

 Sa pahayag ng MRT 3 Management, naputol ang Overhead Catenary Line (OCL) o kable na dinadaluyan ng power supply sa Guadalupe northbound station bandang alas-6:17 ng umaga na naging sanhi ng aberya.

 “Operations of the MRT-3 was suspended at 6:42AM today due to a cable of the Overhead Catenary System (OCS) being cut at Guadalupe Station (NB), which caused insufficient power supply from Shaw Boulevard to Santolan.

Ayon kay Michael Capati, MRT 3 Director for Operations, unang nalimitahan ang biyahe ng MRT 3 mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard  Stations bunga ng insidente hanggang tuluyang suspendehin na ang biyahe ng buong linya dakong alas-6:40 ng umaga. 

Bunga ng insidente ay halos napuno ng mga pasahero ang ibaba ng mga MRT Station sa kahabaan ng EDSA kung saan naghanap na lamang ng alternatibong masasakyan tulad ng mga bus, taxi at Angkas ang mga pasahero.

Samantalang, ganap na alas-9:45 naman ng umaga nang muling magkaroon ng ‘partial operations ‘ang biyahe ng MRT 3 mula North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard.

Dakong alas-5:00 ng hapon, bumalik na sa full operation ang MRT. Danilo Garcia

vuukle comment

MRT 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with