^

Metro

Traffic enforcer ginulpi ng sinitang motorista

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog ng mga pulis ang tatlong lalaki makaraang pagtulungang gulpihin  ang isang traffic enforcer na humuli sa isa sa mga suspek sa traffic violation, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Nakilala ang mga inaresto na sina Salvador Cabansag Jr., 49, ng Potrero Street, Malabon City; Andrew Salonga, 33, at Chris Jerwin Cortez, 25, kapwa taga-Tondo, Maynila.

 Sa imbestigasyon, alas-2 ng hapon nang hulihin ni Mark David Farmer, 30, miyembro ng Valenzuela Traffic Management Office, ang suspek na si Cabansag dahil sa pagparada ng kanyang motorsiklo sa isang “no parking zone” sa may Padrigal Street sa harap ng Valenzuela City Medical Center sa Brgy. Karuhatan.

 Nang iisyuhan na ng tiket, tinangkang tumakas ng suspek nang paandarin ang motorsiklo ngunit maagap siyang naawat ni Farmer na nagpasyang kumpiskahin ang susi ng sasakyan.

Habang nagtatalo ang dalawa, dumating sa lugar sina Salonga at Cortez na tumulong para gulphin umano si Farmer at agawin ang susi ng motorsiklo.

Dumating naman ang ibang miyembro ng TMO na tumulong sa pagdakip sa tatlo katuwang ang mga rumespondeng pulis.

 

 

vuukle comment

TRAFFIC ENFORCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with