^

Metro

Biyahe ng LRT pinahinto dahil sa sumabit na plastic

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May 10 minutong naantala ang biyahe ng isang tren ng Light Rail Transit (LRT) dahil sa isang plastik na sumabit sa overhead line malapit sa Monumento Station sa Caloocan City, kahapon ng hapon.

Sinabi ni Sweden Ra­mirez ng Light Rail Management Corporate Communications, dakong alas- 2:18 ng hapon nang maganap ang insidente na kinailangan na pababain ang mga pasahero bilang bahagi ng safety measure.

Isang maliit na plastic bag ang sumabit sa kawad o overhead line nang liparin ng malakas na hangin at sumabit sa catenary na siyang nagsusuplay ng kuryente sa tren.

 Muling naibalik ang biyahe ng LRT makaraan ang 10 minuto nang masungkit at matanggal ang plastic.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng Manila Light Rail Transit System sa abalang nangyari at ito ay para lamang sa kaligtasan ng mga pasahero.

 

vuukle comment

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with