^

Metro

Murder vs 2 pulis, 2 pa sa pag-ambush sa La Union Mayor at Vice–Mayor, isinampa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Murder vs 2 pulis, 2 pa sa pag-ambush sa La Union Mayor at Vice�Mayor, isinampa
Ayon kay NBI deputy director at spokesperson Ferdinand Lavin, nakakuha ng sapat na batayan ang NBI para sampahan ng mga nabanggit na kaso ang apat na respondents kaugnay sa pananambang na ikinasawi ni Vice Mayor Alfred at kaniyang bodyguard habang sugatan naman ang alkalde at mga bodyguard nito.

MANILA, Philippines — Ipinagharap ng National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong double murder at multiple counts of attempted murder sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang pulis at dalawang iba pa na sangkot sa pananambang kina Bala­oan, La Union Mayor Aleli Concepcion at Vice-Mayor Alfred Concepcion noong Nobyembre 14, 2018.

Ayon kay NBI deputy director at spokesperson Ferdinand Lavin, nakakuha ng sapat na batayan ang NBI para sampahan ng mga nabanggit na kaso ang apat na respondents kaugnay sa pananambang na ikinasawi ni Vice Mayor Alfred at kaniyang bodyguard habang sugatan naman ang alkalde at mga bodyguard nito.

Matapos ang walong buwang case build-up, inirekomenda na ang pagsasampa ng mga kaso laban sa isang SPO1 Dario Cahigas, nakatalaga sa Intelligence Division ng La Union Provincial Police Office (LUPPO), at SPO2 Arnold Calzado ng PNP-Regional Office 1, Camp General Floren­do, San Fernando City, La ­Union  at ilan pang hindi tukoy ang pagkilanlan.

Nobyembre 14, 2018 ng umaga nang tambangan ang mag-amang Concepcion habang bumibiyahe ang kanilang convoy sa Balaoan-Luna Road patu­ngong Municipal Hall.

Hinarang sila ng mga suspek na sakay ng kulay gray na Toyota Innova habang ang iba pang suspek ay sakay ng Toyota RAV 4 na naka-park saka pinau­l­anan ng bala ang mga biktima.

Nakalap ng NBI-IRO ang mga ebidensiya na ginamit para sa pagsasampa ng reklamo kabilang ng bull cap at mask, affidavits mula sa mga testigo, beripikasyon sa mga ginamit na sasakyan ng mga suspek, , DNA examination, circumstantial evidence, at mga kopya ng kuha ng closed circuit television (CCTV)  na nagpapatibay na sangkot ang mga respondents sa ambush-slay. 

vuukle comment

AMBUSH

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with