^

Metro

Bebot kinatay sa hotel

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang ‘di pa nakikilalang babae na sinasabing nagpapabayad para sa panandaliang aliw nang ataduhin ng saksak ng pinaniniwalaang kustomer nito naganap sa loob ng isang hotel, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Gat Andres Boni­facio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang inilarawan sa edad na 25-30, na nag-check-in sa Room 505 ng Safety Motel na matatagpuan sa panulukan ng Mabuhay at  Moriones St. sa Road 10, Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ang suspek na kasamang nag-check-in ng biktima na inilarawang nakasuot ng sumbrero, nasa 5’2-5’3 ang taas, katamtaman ang laki ng katawan.

Sa ulat ni P/Master Sergeant Charles John Duran kay Manila Police District-Homicide Section chief, P/Captain Henry Navarro, dakong alas-5:35 ng madaling araw nang pumasok umano sa nasabing hotel ang dalawa.

Sa imbestigasyon, sinabi ng ilang hotel staff na may limang minuto pa lamang sa loob ng nasabing silid ang dalawa nang makitang luma­bas ang duguang biktima na naghahabol ng hininga.

Madalas umanong ma­kita ng mga empleyado ng hotel ang babaeng biktima dahil suki ito doon na diumano’y may iba-ibang lalaking kasama.

Pinag-aaralan ng mga otoridad ang nakalap na kuha ng closed circuit television (CCTV) para sa ikadarakip ng suspek.

vuukle comment

HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with