^

Metro

Driver nadaganan ng container van, pisak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang driver ng truck matapos mabagsakan ng isang 40 footer container van nang kumalas ito sa trailer truck naganap sa Paco, Maynila, kahapon ng hapon.

Lasog ang katawan at durog ang ulo ng 44-anyos na biktima na si Rogelio Policarpio Jr., may asawa , stay-in driver sa warehouse ng XH Cargo Express sa No.  999 Corea St., sa naturang lugar.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District–Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-3:12 ng hapon kahapon sa loob ng nabanggit na warehouse.

Habang idinidiskarga ang laman na hydraulic products mula sa container van ay biglang kumalas at bumagsak ito.

Nagulat ang mga kasamahan sa trabaho nang makitang nadaganan ang biktima.

Ipinaalam kaagad sa otoridad ang insidente na inabutan pang nadadaganan ng container van ang wala nang buhay na biktima.

Nabatid na nakahimpil lang ang trailer truck na walang truck head kaya hindi naman gumagalaw nang maganap ang pagbagsak.

Inimbitahan naman ng mga pulis ang checker at iba pang trabahador ng warehouse para masiyasat ang buong pangyayari.

vuukle comment

DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with