^

Metro

Bus salpok sa poste ng LRT: 7 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bus salpok sa poste ng LRT: 7 sugatan
Ang pampasaherong bus na bumangga sa poste ng LRT sa Maynila makaraang aminin ng driver nito na nakatulog siya habang hawak ang mani­bela. Pito ang na­sugatan sa insidente kabilang ang driver.
Kuha ni KJ Rosales

Driver inantok, nakatulog

MANILA, Philippines — Pito ang sugatan matapos bumangga ang sinasakyan nilang bus sa poste ng Light Rail Transit (LRT) sa P. Burgos, Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang mga nasugatang kinilalang sina Arnel Ramirez, 36, driver ng bus; Norma de la Rosa, 62; Charlie Chua, 26; Adelia Leynes, 16;  Danny Reyes, 36; Jasmine Peralta, 22;  at David Timothy Improgo, 21, pawang mga pasahero ng naturang bus.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang pagsalpok ng Alabang Transport Service Cooperative Bus na may plakang UVD-442  sa northbound lane ng P. Burgos St.

Nakaidlip umano ang driver kaya bumangga sa poste. Masusi pang iniimbestigahan ang pangyayari.

 

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with