^

Metro

Electrician nasabugan ng circuit breaker

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na electrician ang pinangangambahang mawalan ng paningin matapos masabugan sa mukha ng circuit breaker na kanyang kinukumpuni sa loob ng isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Geral Danday, binata, empleyado ng AYG Electrical Contractor, at nakatira sa No. 4844 Camisa St., Old Sta. Mesa, Manila.

Alas-3:30 ng hapon kinukumpuni ni Danday ang isang circuit breaker­ sa electrical room na nasa Ground Floor ng Midas Hotel sa may Service Rd. sa Ro­xas Blvd., Pasay kasama ang helper na si Plenio Bardaje nang biglang sumabog sa mukha ni Danday ang circuit breaker at napu­ruhan ang kanyang mata.

Mabilis na isinugod ang da­lawa sa nabanggit na paga­mutan at nilapatan ng lunas.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with