^

Metro

Fever surveillance lanes, itinatag sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa paglala ng dengue at leptospirosis

MANILA, Philippines — Mayroon na ngayong fever surveillance lanes sa mga barangay sa Quezon City.

Ito ayon kay  Quezon City Mayor Joy Belmonte ay upang matamang mabantayan at masuri agad ang iba’t ibang uri ng  mga sakit na dumadapo sa mga komunidad lalo na ang kasong dengue, leptospirosis, viral illnesses at iba pang sakit na madalas umuusbong kapag tag-ulan.

Anya, inatasan niya si QC Healh Officer Dra. Esperanza Arias na round the clock na subaybayan ang mga health centers at bigyan ng kagyat na pangangailangang medikal ang mga nagkakasakit.

“Our health department is ready to address illnesses, including leptospirosis, that may peak during rainy season. Aside from our strengthened awareness campaign, our health centers have protocols in place to treat patients who have contacted leptospira,” pahayag ni Belmonte.

Idinagdag pa nito na kailangan ding palagiang ma­kipag-ugnayan ang mga health centers sa mga barangay officials upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng iba’t ibang sakit.

Batay sa tala ng QC  Health Department (QCHD), may 160 kaso ng leptospirosis at may 21 nasawi  mula January 1  hanggang  August 17 ngayong taon.

Gayunman, sinabi ni Arias na ang naturang kaso ng leptospirosis ay may  62 percent drop  mula sa 432 cases na may  60 nasawi  sa kaparehong period ng 2018.

vuukle comment

FEVER SURVEILLANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with