^

Metro

Drug suspect huli sa pot session, tumalon sa gusali, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagnanais na makatakas sa mga pulis, tumalon ang isang drug suspek buhat sa ikaapat na palapag ng isang gusali na nagresulta sa kanyang pagkamatay  kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala lamang ng pulisya ang nasawi na si alyas Albert habang kritikal ang isa pang suspek na si alyas Dudoy na isinugod sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.

Nadakip din ng pulisya ang tatlo pang suspek na sina Jennifer Dizon, 29; Michael Meneses, 38, tricycle driver at isang 15-anyos na lalaki na may  alyas na Voltaire. Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-6:30 ng gabi nang makatangagp ang pulisya ng sumbong sa isang concerned citizen ukol sa mga kahina-hinalang mga tao sa loob ng Room 407 Bldg. A ng NHA Camres 1 sa Brgy. 175.

Nirespondehan ng mga tauhan ng Station Investigation Branch ng Caloocan Police North Station ang sumbong at naaktuhan ang nagaganap na pot session sa loob ng natu­rang kuwarto na pag-aari ni Meneses.

Dalawang lalaki ang nagtangkang tumakas sa mga pulis at mas pinili na tumalon sa bintana ng kuwarto.  Nagresulta ito sa malubhang pinsala sa kanilang katawan kaya isinugod sila sa nabanggit na pagamutan ngunit idineklarang wala nang buhay si alyas Albert.

Narekober ng pulisya ang limang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia sa lugar.  Dinala na ang mga ebidensya sa PNP Crime Laboratory para sa kaukulang pagsusuri habang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip.

 

vuukle comment

DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with