^

Metro

Inspector sa Assessor’s Office ng Taguig, huli sa kotong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ang isang ins­pector sa Assessor’s Office ng Taguig City nang tangkaing kotongan umano ang isang retiradong heneral na nag-aaplay ng permit sa kanyang negosyo, kamaka­lawa ng gabi sa naturang lungsod.

Kinilala ang inaresto na si John Paul Mabilin, 32, ng  Brgy. Calzada Tipas, ng naturang lungsod.

Positibo siyang itinuro ng biktimang si retired Police Gen. Jonathan Ablang, ng  Phase 6 AFPOVAI Fort Boni­facio, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig City Police, unang lumapit sa tanggapan ng intelligence section si Ablang at inireklamo si Mabilin na nanghihingi umano ng pera para maipalabas ang mga inaplayang permit para sa kanyang negosyo.

Dito nagkasa ng entrapment operation ang pulisya dakong alas-4:50 ng hapon sa loob ng isang fastfood chain sa may C5 Service Road sa Brgy. Ususan, ng naturang lungsod.

Inaresto ng mga pulis si Mabilin nang tanggapin niya ang marked money buhat kay Ablang kabilang ang dalawang piraso ng P1,000 bill at dalawang piraso ng P500 bill na minarkahan ng flourescent powder ng pulisya.

vuukle comment

ASSESSOR’S OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with