^

Metro

Kidnapping tumaas dahil sa POGOs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas ang mga insi­dente ng kidnapping for ransom (KFR) sa bansa kaugnay ng pagdami ng Philippine Offshore Ga-ming Operators (POGOs) na aabot sa 200,000 Chinese ang mga empleyado.

Ito ang inamin ni PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Spokesman Police Lt. Colonel Elmer Cereno.

“Consequently, it can also be attributed to the increasing numbers of Phi-lippine Offshore Gaming Operators (POGO) opera-ting in the Philippines. As of June 9, 2019, there were 56 licensed POGOs in the country, that employs an estimated 100,000 to 250,000 Chinese nationals. Yet, there were numbers (more or less 30) of illegal POGOS operating in the country,” pahayag ni Cereno.

Kaugnay nito, dahilan sa pagtaas ng  KFR na may kinalaman sa casino gam-b­ling operations, sinabi ng opisyal na magdedeploy sila ng dalawang teams sa itatayong mga satellite offices malapit sa mga hotel at pasilidad ng mga casino na karaniwan ng dinaragsa ng mga turista.

Simula noong 2017, nakapagtala ang PNP-AKG ng 53 kaso ng kidnapping na may kinalaman sa pag­kakalulong sa casino habang nasa 120 Chinese kidnappers naman ang nasakote na responsable sa pagdukot sa  57 biktima na karamihan ay kanilang kababayan.

 “The deployment of intelligence operatives is part of our pro-active measures to address this problem,” ayon pa kay Cereno.

Samantalang ang mga nakidnap ay mga biktima ng Chinese loan shark syndicate kung saan ang modus operandi ay pautangin ang mga ito nang panlaro sa casino at kapag walang maibayad ay kinikidnap, tino-torture na ang video ay ipadadala sa pamilya ng mga ito para magbayad ng ransom.

Kaugnay nito, nakikipagkoordinasyon na ang PNP-AKG sa kanilang mga dayuhang counterpart at  mga ahensya ng pamahalaan kaugnay ng mga insidente ng kidnapping sa bansa.

 

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with