^

Metro

Chinese nasagip sa kidnap, 5 suspect timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang Chinese national makaraang tangkaing dukutin ng limang nadakip na suspek kabilang ang isa ring Tsino, kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Zhaochun Chen, alyas Zhan Hao, 21; Mark Anthony Pareño, 39; John Muega, 24; Reyan Villanueva, 35 at Joe Marie Lavilla, 31, pawang mga residente ng Olongapo City.

Nakilala naman ang  nasagip na biktima na si Ma Zhi Rui, 36.

Sa ulat ng pulisya, nagpapatrulya ang mga pulis dakong alas-2 ng madaling araw nang mapansin nila ang isang komosyon sa may kanto ng Kalayaan Avenue at Burgos Street sa Brgy. Poblacion, Makati.

Nang kanilang lapitan, dito nila naaktuhan na pinagtutulungang ipasok ng limang lalaki sa loob ng isang Toyota Grandia ang isang lalaki na hitsurang Tsino. Agad na umaksyon ang mga pulis at inaresto ang limang suspek.

Dito umano tinangka pang suhulan ni Zhaochun ang mga pulis ng P100,000 para hindi na sila makialam. Ngunit bigo ang dayuhan sa panunuhol nang agad siyang posasan ng mga pulis at idiretso sa kulungan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang nahaharap ang mga suspek sa kasong attempted kidnapping habang dagdag na kasong bribery ang kahaharapin ni Zhaochun.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with