^

Metro

Lolo na dawit sa child rape, tumalon mula 3rd floor, lasog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lasog ang isang 66-anyos na lolo makaraang tumalon mula sa ikatlong palapag ng Manila City Hall habang ini-inquest sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong rape, kahapon ng hapon.

Dead-on-arrival sa  Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang lolong suspect na kinilalang si Ricardo Reyes, ng Pandacan, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng  Manila Police District-Ho-micide Section, dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang insi-dente  sa loob ng Manila City Hall.

Isasalang pa lang uma­no sa inquest proceedings si Reyes nang dumaing na nahihilo at paninikip ng dibdib kaya’t humingi ng tubig. Dito pansamantalang tinanggal ng mga pulis ang posas.

Ilang segundo lang ay agad itong tumakbo sa bintana at tumalon.

Agad siyang isinugod ng mga tauhan ng MPD-Station 10, sa nasabing paga­mutan su-    balit idineklarang dead-on-arrival alas-3:07.

Si Reyes ay dinakip kamakalawa ng mga tauhan ng Pandacan Police kaugnay sa pangmomolestiya sa isang 7-taong gulang na batang babae. Doris Franche

 

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with