^

Metro

Drug suspect itinumba sa loob ng bahay, ka-live in sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki na kilalang sangkot sa iligal na droga ang pinatay makaraang pagbabarilin ng kanilang kabarangay sa loob ng kanyang bahay habang su­gatan ang kanyang kinakasamang babae, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Sailanie Tomimbang, alyas Nick, kasama sa Drug Watchlist ng Pasay City Police, habang malubha ang kanyang live-in partner na si Mannyleen Guinto, alyas Maymay, kapwa nakatira sa Lawaan Street, Block 16 Lot 20 Brgy. 145 Zone 16, ng naturang lungsod.

Natukoy naman ang isa sa nakatakas na suspek na si Hermenio Espedion, alyas Bocayo, nakatira sa Block 26 Lot 4 ng nabanggit na barangay habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pang salarin.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, alas-7:45 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag ukol sa naganap na pamamaril sa Brgy. 145.  Agad na rumesponde ang mga pulis at inabutan sa loob ng bahay ang mga duguang biktima na may tama ng bala buhat sa hindi mabatid na kalibre ng baril.

Agad na isinugod ang dalawa sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay si Tomimbang habang agaw-buhay naman si Guinto.

Sa pagtatanong ng mga pulis, nakilala ang isa sa suspek na si Espedion na target na ngayon ng manhunt ng pulisya. May teorya ang pulisya na maaaring sigalot sa iligal na droga ang motibo sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with