^

Metro

P3.4-M shabu nasabat sa Pasay City

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P3.4-M shabu nasabat sa Pasay City
Kinilala ang mga nada-kip na sina Graciano Rom-bo, 34, ng Brgy. Tres Cruses, Tanza, Cavite; Roderick Pisig, 35, ng Upper Bicutan, Taguig; at si Alican Pagayaw, 31, residente rin ng Maharlika Street, Taguig City.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Manila Police District at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong big time na tulak ng droga na nagresulta sa pagkakakumpiska ng tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang parking area malapit sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Maynila.

Kinilala ang mga nada-kip na sina Graciano Rom-bo, 34, ng Brgy. Tres Cruses, Tanza, Cavite; Roderick Pisig, 35, ng Upper Bicutan, Taguig; at si Alican Pagayaw, 31, residente rin ng Maharlika Street, Taguig City.

Sa ulat, ala-1:45 ng madaling araw kahapon nang ikasa ng mga otoridad ang buy-bust operation sa parking area ng Harbor Square na nasa tapat ng CCP Complex.  Isang miyembro ng RDEU ang umaktong poseur buyer at nagawang makabili sa mga suspek ng tinatayang 200 gramo ng shabu na nakalagay sa isang plastic ice pack na may halagang P250,000.

Nang maisagawa ang bentahan, nagbigay na ng senyales ang buyer dahilan para sumulpot ang mga nakaantabay na mga pulis at palibutan ang mga suspek.

Nasa kabuuang 500 gramo ng shabu na naka­lagay sa limang plastic ice bag na may halagang P3,400,000 ang nakum-piska sa mga suspek ng mga pulis kasama pa ang boodle marked money na aabot sa P250,000; dalawang cellular phones at isang Toyota Fortuner na gamit nila sa operasyon.

Sa imbestigasyon, nagmula umano ang suplay na shabu sa isang lugar sa lalawigan ng Cavite at may sentro ng operasyon ang mga suspek sa Katimugang bahagi ng Metro Manila.

Modus-operandi ng sindikato na ibagsak ang iligal na droga sa mga tulak na karamihan ay mga tenant ng mga condominiums sa Metro Manila. Ginagamit ng sindikato ang mga condominiums bilang kanilang mga hideout dahil sa mas mataas ang proteksyon nito sa ipinatutupad na security measures.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with