^

Metro

7 bahay sa gilid ng Manila Bay, tinangay ng alon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinangay ng malakas na alon ang pitong kabahayan na nakatayo sa gilid ng Manila Bay sa Isla Puting Bato, sa Brgy. 20, Tondo, Maynila, kahapon.

Dakong ala-s 3:00 ng hapon nang respondehan ang nasa 23 pamilya o 74 indibidwal mula sa nawasak at tinangay ng tubig na mga barung-barong dahil sa lakas ng hangin at alon dala ng habagat, ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Pawang yari lamang sa magagaan na kahoy at yero ang mga barung-barong na tinangay.

Inilikas ang mga evacuees sa Delpan Evacuation Center at doon sila dadalhan ng relief goods at makakain ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

vuukle comment

MANILA BAY

WEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with