^

Metro

Bangkay ng kelot nabingwit, sa estero sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang nabingwit sa estero sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, tinanggalan pa ng isang mata ng mga salarin ang biktima.

Inilarawan sa edad na 50-60 ang biktima, nasa 5’-5’3 ang taas,  may manipis na buhok, maputi, nakasuot ng t-shirt na maroon at gray na pantalon.

Sa ulat ni Police Corporal Mark Daniel De Guzman ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 6:30 ng umaga kahapon (Hulyo 18) nang mamataan ng isang 13-anyos na scavenger ang lumulutang na bangkay sa dulo ng barge na nakadaong  sa Estero De Sunog Apog malapit sa Del Fiero Bridge,  Gagalangin,  Tondo, Maynila.

Agad itong ipinaalam sa barangay tanod na si Ruben Gonzales na siyang nag-ahon sa bangkay.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. Keanna Tiatco

vuukle comment

TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with