^

Metro

Nationwide tigil-pasada, ikinakasa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Nationwide tigil-pasada, ikinakasa

Protesta vs Puj Modernization

MANILA, Philippines — Nagbanta ang grupong Alliance of  Concerned Transport Organizations (ACTO) ng malawakang at malakihang tigil pasada sa buong bansa sa oras na ituloy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-phaseout sa mga pampasaherong jeep sa bansa sa ilalim ng PUJ modernization program ng pamahalaan.

Ito ay sinabi ni Efren de Luna, Pangulo ng ACTO nang lusubin kahapon ng mga driver at operator ng ACTO at Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Ope­reytor Nationwide (Piston) ang LTFRB main office sa East Avenue sa Quezon City  para iparinig sa mga opisyal ng ahensiya ang kanilang mga sentimiyento laban sa PUJ phaseout.

“Kung hindi papanigan ng LTFRB ang aming panawagan, magkakaroon kami ng ikalawang protesta na mas magiging all-out, nationwide transport strike,” sabi ni de Luna.

Kaugnay nito, sinabi ni George San Mateo, National President ng PISTON na ang kanilang pagkilos ay bilang pagkondena sa jeepney mo­dernization at taas ng pres­yo ng petroleum products.

Anya, isang panlilinlang at misrepresentation ang ipinatutupad na PUJ modernization program ng pamahalaan.

Ilan anya sa tinututulan ng kanilang hanay ay ang requirement ng LTFRB na dapat ay may terminal ang isang operator na may 200 units, gayundin ang itinakdang deadline ngayong taon lamang para makabili ng bagong sasakyan na hindi kakayanin ng kanilang hanay.

Noong 2017 inilunsad ng LTFRB ang PUJ mo­dernization program na layong mapalitan na ang mga luma na, kakarag-karag na pampasaherong jeep sa bansa o mga jeep na may edad 15 taon at higit pa.

Patuloy namang pinararating ng mga jeepney operators na hindi sila tutol sa jeepney modernization ng gobyerno  pero may ilang mga patakaran ang LTFRB na naitakda rito na mahirap nilang tupdin,  tulad ng  ang lahat ng pampasaherong jeep ay dapat pawang Euro 4 compliant at gamit ang renewable energy.

Sa ngayon, karamihan sa mga pampasaherong jeep sa bansa ay kinakargahan ng diesel.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

PUJ MODERNIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with