^

Metro

Umawat sa away, napatay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang 33-anyos na lalaki makaraang masaksak nang magtangkang umawat  sa away ng kanyang mga kapitbahay ngunit sa kanya nabunton ang galit ng isa sa mga ito, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Wala nang buhay nang dumating sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Edgardo Reyes, ng Camachile St., Golden Acres, Brgy. Talon Uno, sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Isinugod naman sa Las Piñas District Hospital ang isa sa mga suspek na si Jomar Dumawal, 30, dahil sa tinamong tama ng saksak sa tiyan habang nakakatakas ang kanyang nakatatandang kapatid na si Armando, 43.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, nasa loob na ng kanyang bahay ang biktima dakong ala-1:50 ng madaling araw nang marinig niya ang nagaganap na komosyon sa labas.

Nang lumabas ng bahay si Reyes, nakita niya ang pag-aaway ng kanyang mga kapitbahay, kabilang ang magkapatid na Dumawal.  Dito nakialam si Reyes nang tangkaing umawat ngunit naipit siya sa gulo nang pati siya ay pag-initan rin at pagsasaksakin nang sumiklab ang rambol.

Agad na tumakas si Armando bago pa man dumating ang mga nagrespondeng tauhan ng Las Piñas Police Community Precinct (PCP) 5 habang mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pulisya sa nakababata niyang kapatid na si Jomar.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

CRIME

STABBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with