^

Metro

Vendors sa underpass papalayasin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Vendors sa underpass papalayasin
Ani Moreno, hindi dapat na higpitan ang mga dumaraan sa underpass dahil ginawa ito para hindi mahirapan ang mga tumatawid lalo na ang mga senior citizen at mga deboto ng Black Nazarene .
Russell Palma

MANILA, Philippines — Hindi na makapagtitinda ang mga vendor sa Manila City Hall underpass mula bukas, Hulyo 15 at aalisin na ang kanilang mga stall.

 Ito’y matapos kanselahin o irevoke  ni Secretary to the Mayor  Bernadito Ang  ang special permits  na ibinigay ng nakalipas na administrasyon sa mga organizer ng mga manininda sa nasabing  underpass.

Ayon pa kay Chavez, sa Lunes ay papaalisin na ang mga vendors alinsunod sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno.

 Una nang sinabi ni Moreno na hindi dapat ipagkait sa mga pedestrians ang mga underpass sa Maynila na halos hindi na madaanan dahil sa tadtad ng mga stalls at ginagawang bahay, kusina at tulugan.

 Sinabi rin ng alkalde na bukod sa hindi pumapasok sa kaban ng bayan  ang kita sa buwis sa mga vendors ay pinagkakakitaan din ng ilang indibidwal ang pagpapabayad ng permit at pailaw sa stall gayung local na pamahalaan ang bumabalikat sa bayarin sa kuryente.

 Isa pang tututukan ni Moreno ang Lacson Underpass na ngayon ay tinawag na Victory Lacson Underpass matapos  pangasiwaan ng Victory Mall na gusto niyang bukas nang 24 oras.

Ani Moreno, hindi dapat na higpitan ang mga dumaraan sa underpass dahil ginawa ito para hindi mahirapan ang mga tumatawid lalo na ang mga senior citizen at mga deboto ng Black Nazarene .

Samantala, idaraos sa Bonifacio Shrine sa halip na sa Freedom Triangle ang regular na flag raising ceremony ng pamahalaang Lunsod ng Maynila na ginagawa sa tuwing Lunes.

 Ito’y matapos ipagiba ang mga iligal na istruktura sa Bonifacio Shrine na ginawang malaking kubeta ng mga street dweller at vendors sa nakalipas na administrasyon.

vuukle comment

ISKO MORENO

MANILA CITY HALL UNDERPASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with