^

Metro

Pekeng US Marine, huli ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang dayuhan na nagpakilalang miyembro ng US Marines  ang dinakip ng maga ahente ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division (NBI-IAID)  nang matuklasang hindi kaniya ang ginagamit na passport, iniulat kahapon.

Sa pulong-balitaan kahapon, sinabi ni NBI deputy for Investigative Service Vicente De Guzman III na ang suspect ay nakilalang si Justine Barlee   na may mga alyas na Jerry Rockstone at Jerry Brown sa pagpapakilalang siya ay mi­yembro ng  US Armed Forces Marine Corps.

Nakipagkita ang nagpanggap na financier sa isang coffee shop sa Macapagal Avenue, sa Pasay City at doon siya inaresto ng mga operatiba ng NBI.

Nagpakita pa ng ID ang suspek na siya ay US Marine officer at mga dokumento at resibo na siya ang may-ari ng luggage na idineposito sa Global Cargo na naglalaman umano ng kaniyang salapi.

Nakarating sa NBI-IAID ang impormasyon na isang Jerry Brown ang nagpakilalang holder ng US passport no. 487311994 at naghahanap ng financier o magpapaluwal ng US $150,000.00 para sa ‘demurrage fee’  para marekober umano ang kaniyang pera na nakadeposito sa Global Cargo na hindi nakuha sa takdang panahon.

Nang beripikahin sa US Embassy, natukoy na hindi isang ‘Jerry Brown’ ang tunay na holder ng US passport  at nakarekord na ‘lost passport’ ito noon pang 2013. Hindi rin lumutang ang pangalan ng suspek na miyembro ng US Marine at hindi rin US national.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office ang suspek sa paglabag sa Article 177 o Usurpation of Authority at Article 178 o Using Fictitious Name and Concea­ling True Name sa ilalim ng Revised Penal Code.

vuukle comment

FAKE US MARINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with