^

Metro

Brgy. exec. officer itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binaril at napatay ang isang 45 -anyos na barangay exe­cutive officer ng hindi pa nakikilalang lalaki habang nakaupo sa harapan ng kaniyang motorcycle repair shop sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Binawian ng buhay sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Dario Habal, negosyante at ex-o sa Brgy. 275, Zone 25 ng Area B, Parola Compound, bahagi ng Binondo.

Nangangalap pa ng ebidensiya at kuha ng closed circuit television (CCTV) ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan sa gunman na inilarawang nasa 37 hanggang 39-anyos , 5’7 ang taas, nakasuot ng kulay puting t-shirt, maong na pantalon.

Sa ulat ni P/Master Sergeant Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng hapon  nang maganap ang insidente ng pamamaril sa harap mismo ng repair shop ng biktima nang biglang lumutang ang gunman at pinaputukan ito ng malapitan sa ulo gamit ang kalibre 9mm na baril.

Nang humandusay ang biktima ay naglakad lamang papalayo ang suspek habang agad na dinala sa pagamutan ang bik­tima pero hindi na rin naisalba ang buhay nito. (with trainee Keanna Tiatco)

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with