^

Metro

Karnap na sasakyan nasamsam sa kuta ng sindikato

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na behikulo na pinaniniwalaang mga karnap  ang narekober ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station sa gina­wang pagsa­lakay sa hinihinalang kuta ng mga karnaper kung saan dala­wang suspek ang nadakip, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Nakilala ang mga nadakip na sina Leovy Orfila, 44 at Armando Iga­yan, 51, habang pinaghahanap pa ang mga kasabwat na sina Ronald Alejo at dalawa pang inaalam ang pagkakaki­lanlan. 

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-2:45 ng hapon nang salakayin ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit at Task Force Limbas ng Highway Patrol Group ang kuta ng  sindikato sa loob ng Santa Fe Homes Site sa Brgy. 167.  

Armado ang mga pulis ng arrest warrant na inisyu ng Quezon City Metropolitan Trial Court branch 35 laban sa suspek na si Orfila para sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

Dito inabutan ng mga pulis ang suspek na si Igayan na abala sa pag-tamper, pagpapalit ng kulay at pag-kahoy sa makina at chassis ng isang behikulo dahilan ng kanyang pagkakadakip. 

Narekober ng mga pulis ang isang unit ng puting Toyota Hi-Ace (XBU 239), isang unit ng Toyota Grandia na may pekeng plaka na ABE 2771, isang unit ng brown na Honda CRV (PRO 859), isang unit ng magenta Mio Sporty scooter (NC 71625), iba’t ibang uri ng plaka, isang spray gun, isang compressor at isang container ng puting pintura.

Isang granada rin ang nadiskubre sa posesyon ng suspek na si Orfila habang nabatid na si Armando Igayan ay siya ring si Armando Dela Cruz na nahaharap rin sa isang kasong kriminal sa korte ngunit gumamit ng ibang pangalan.

vuukle comment

CARNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with