^

Metro

Road safety, isasama sa kurikulum sa mga paaralan sa Que­zon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Road safety, isasama sa kurikulum sa mga paaralan sa Que­zon City
Ito ay makaraang lumagda sa isang memo­randum of agreement ang Land Transportation Office- NCR East, Division of City Schools –QC at QC government para isama sa curriculum sa K-12 ang tungkol sa road safety at road courtesy sa mga kabataang mag- aaral.
Boy Santos

MANILA, Philippines —Magkakaroon na ng higit na kaalaman ang mga mag-aaral sa Que­zon City hinggil sa tamang paraan ng paggamit ng lansangan,

Ito ay makaraang lumagda sa isang memo­randum of agreement ang Land Transportation Office- NCR East, Division of City Schools –QC at QC government para isama sa curriculum sa K-12 ang tungkol sa road safety at road courtesy sa mga kabataang mag- aaral.

Kahapon, personal na naibigay na ng LTO sa pamamagitan ni DOTR Mark Richmund de Leon, LTO Chief Edgardo Galvante, LTO NCR East director Benjamin Santiago kay Director Wilfredo Cabral-Regional Director-Deped NCR, Natividad Bayubay-Asst Schools Division Supt, Office of the Schools Division Supt., Schools Division sa QC ang Learner’s material na gagamitin sa pagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa road safety at road courtesy.

Sa paglulunsad ng Integration of Road Safety in the Basic Education Curriculum, hiningi naman ni Galvante sa QC government ang tulong upang mapunan ang dagdag na kailangang resources para sa tagumpay ng proyekto.

Sinabi naman ni Undersecretary de Leon na ito na ang isang panimula para  mawakasan ang pagdami ng aksidente sa lansangan na ang ugat ay ang kawalang kaalaman ng mamamayan sa road safety.

Anya, kada isang taon, may 12,000 nama­matay dahil sa road crashes o 33 katao na namamatay sa isang araw sa lansangan.

Naging representative naman ni QC Mayor Joy Belmonte sa okas­yon si QC Vice mayor Gian Sotto. Pinasalamatan nito ang LTO NCR at DepEd dahil may ganito silang adbokasiya upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.

vuukle comment

ROAD SAFETY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with