^

Metro

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo
Dakong alas-6:00 ngayong umaga ipatutupad ng Pilipinas Shell, PTT Philippines at Petron Corporation ang dagdag na P 0.25 sentimos sa kada litro ng kanilang g­asolina, habang may bawas presyo naman na P0.35 sentimos sa kada litro ng kanilang kerosene at P0.40 sentimos naman sa kada litro sa diesel.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng gasolina habang magbabawas naman sa diesel at kerosene ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw ng Martes.

Dakong alas-6:00 ngayong umaga ipatutupad ng Pilipinas Shell, PTT Philippines at Petron Corporation ang dagdag na P 0.25 sentimos sa kada litro ng kanilang g­asolina, habang may bawas presyo naman na P0.35 sentimos sa kada litro ng kanilang kerosene at P0.40 sentimos naman sa kada litro sa diesel.

Unang nang nagpatupad ang Phoenix Petroluem ng pagtapyas ng P0.40 kada litro sa diesel nitong nakaraang Sabado ng alas-12:00 ng tanghali.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang dahilan ng nasabing pagalaw ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng panibagong presyuhan sa pandaigdigang merkado dahil sa planong pagbabawas ng produksyon ng mga oil expor­ting and producing countries (OPEC) sa kanilang crude oil.
Apektado rin ang presyo sa internasyunal na merkado sa nagaganap na sigalot sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, pagbaba sa demand ng krudo at paglakas sa presyo ng Philippine peso.

vuukle comment

OIL PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with