^

Metro

3 sugatan sa karera ng motor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malubhang nasugatan ang tatlong lalaki nang pare-parehong sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo  habang nagkakarerahan kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nakaratay ngayon sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center ang mga sugatan na sina Dranred Tiongson, 23 at Kenneth Laum, 28, kapwa nakatira sa Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod. Isa pang lalaki na angkas ni Tiongson ang sugatan din sa naturang pagsemplang.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Langit Rd sa Phase 5 Brgy. 176 Bagong Silang sa tapat ng isang video­ke bar.

Nabatid na binabaybay ng isang Yamaha Mio na minamaneho ni Tiongson at isang Suzuki Raider na gamit naman ni Laum ang naturang kalsada patungong Tala nang magkarerahan ang dalawa.

Pagsapit sa tapat ng isang videoke bar, nagkasagian ang dalawang motorsiklo dahilan para sumemplang at tumilapon sa kalsada ang mga sakay nito.

Sinaklolohan ng mga tauhan ng barangay ang mga sugatang biktima at naisugod sa nabanggit na pagamutan kaya agad na nalapatan ng lunas.

vuukle comment

MOTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with