^

Metro

Paulit-ulit na pagbubungkal ng kalsada sa Maynila, bawal na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na mahigpit nang ipagbabawal sa lungsod ang pagbubungkal sa mga kalsada matapos ang isinagawang Manila Reintegration with National Government Agencies and Private Sector (Infra/Utilities Group) Meeting kung saan dapat naisumite sa kanyang opisina ang one year expansion, reconstruction o rehabilitation infrastructure plans sa loob ng Maynila.

Ayon kay Domagoso, kailangan ito upang maging coordinated din sa City Hall ang mga pagbubungkal sa mga kalsada at pag-aayos ng mga poste sa sariling development plans ng Lungsod.

Aniya, gagawin niyang regular ang coordination meeting sa Meralco, Maynilad, Manila Water, Globe, Smart, PLDT, DPWH at MMDA upang coordinated at di paulit-ulit ang mga pagbubungkal sa mga kalsada.

Binalaan din ni Domagoso ang mga contractor ng DPWH at ibang utilities na sila ay iba-blacklist ng City Hall kung iiwanan nilang nakatiwangwang ang kanilang mga kagamitan, temporary shelter at debris sa daan.

Mahigpit din niyang ipinagbabawal ang extension ng mga kontrata sa imprastraktura.

vuukle comment

MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with