^

Metro

Pabrika ng damit natupok: 2 pang sunog sumiklab

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natupok ng apoy ang isang pabrika ng damit sa Parañaque City makaraan umanong mag-overheat ang air-conditioning unit dito, habang dalawa pang sunog sa Makati at Pasay City ang magkasunod na sumiklab kahapon.

Sa ulat ng Parañaque City Bureau Fire Protection, dakong alas-8:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa Metro Index Garments Inc. na matatagpuan sa Timothy St. Multinatio­nal Brgy. Moonwalk nang nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang malakas na pagsabog ang nari­nig sa loob ng pabrika kasunod ng paglagablab ng malaking apoy na kung saan nakaimbak ang mga tela at mabilis na kumalat ang apoy.
Agad na itinaas ng Para­ñaque BFP sa ikalimang alarma ang naturang sunog dahil sa mabilis ang paglaki ng apoy.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa naganap na sunog at dakong alas-10:00 ng gabi nang idineklarang fire under control ang apoy.

Samantala isa pang sunog ang sumiklab din sa isang compound sa Constancia St. Brgy. Olympia sa Makati City dakong alas-6:55 ng umaga. 

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa may dalawampung bahay. Alas-2 ng hapon nang sumiklab din ang isang sunog sa isang residential area sa Brgy. Villamor sa Pasay City. Iniakyat na ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa ikaapat na alarma sa laki ng apoy dakong alas-3:18 at pasado alas-4:25 ng hapon nang ganap na itong maapula.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with