^

Metro

Kelot utas sa mag-iina: Nanay tiklo, 3 anak tugis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 43-anyos na lalaki nang sugurin at pagkasunduang barilin ng mag-iina na matagal nang kaalitan  sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center  (JRMMC) ang biktimang si Robert Delos Reyes, residente ng Francisco Varona St., Tondo.

Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Colonel  Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Manila Police District-Station1 ang ginang na suspek na  si Margie Usison, habang tinutugis pa ang mga anak nitong sina Renjie Usison, Ronald alyas Inad,  at isang alyas Tokwa, pawang nasa hustong gulang at residente ng Interior 4 F.Varona st., Tondo. 

Sa ulat ni P/Staff Sergeant Roderick Magpale ng MPD–Homicide Section, naganap ang pamamaril alas- 5:15 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng biktima.

Nakatambay umano ang biktima sa lugar nang lapitan ng mag-iinang suspek at isa sa kanila ang may hawak ng baril at pinaputukan ng ilang ulit ang biktima sa katawan.

Nang duguan na ang biktima ay magkakasamang tumakas ang mga ito, pero nadakip ang ina. Patay na nang idating sa pagamutan ang biktima.

Ayon kay Joel, kapatid na lalaki ng nasawi, may alitan ang kanilang pamilya nang pagbintangan umano siya at ang kapatid  na nanaksak sa kapatid ng suspek may ilang taon na ang nakalipas.

Kinasuhan umano siya at ang nasawi ng frustrated murder at isang taon silang nakulong na nakalaya lamang sa probation. (with trainee Keanna Tiatco)

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with