^

Metro

75 video karera, fruit game machines winasak ni Mayor Isko kasama ang PNP

James Relativo - Philstar.com
75 video karera, fruit game machines winasak ni Mayor Isko kasama ang PNP
Isinagawa ang paninira ng mga makina kanina sa Manila City Hall.
The STAR/Marc Jayson Cayabyab

MANILA, Philippines — Aabot sa 75 makinang ginagamit sa iligal na pagsusugal ang winasak ng lokal na gobyerno ng Maynila kasama ang Philippine National Police Miyerkules ng umaga.

Gamit ang maso, pinagsisira ito nina Manila mayor Francisco Moreno Domagoso at Manila Police District Br. Gen. Vic Danao kanina sa Manila City Hall.

Maaaring makasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 1602 ang mga nagpapatakbo ng mga naturang kagamitan, na magreresulta sa mga multa at pagkakakulong.

Saklaw ng nasabing batas ang mga makina na ginagamit para sa iligal na pagsusugal: "... slot machines, roulette, pinball and other mechanical contraptions and devices."

Sa ngayon, tanging ang Philippine Amusement and Gaming Corporation lamang ang may karapatan na magbigay ng lisensya at magregula sa mga pasugalan sa bansa, maliban sa Cagayan Special Economic zone and Freeport.

Kahapon, viral din sa social media ang isinagawang "clearing operations" sa Divisoria, Maynila dahilan para luminis ang lugar.

Bahagi ang mga ito ng mga paunang "paglilinis" ni Domagoso sa Maynila matapos maluklok sa pwesto nitong Linggo, ika-30 ng Hunyo. — may mga ulat ni Marc Jayson Cayabyab at The STAR.

vuukle comment

ILLEGAL GAMBLING

ISKO MORENO

MANILA CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with