^

Metro

Manila Zoo ‘di gagawing casino o mall

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor-elect Isko Moreno na hindi mawawala ang nasa 60-taong gulang na Manila Zoo sa lungsod sa kabila ng umugong na balita  na gagawin isang mall o casino ang lugar.

 Sa pahayag ni Moreno, sa halip ay mas pagagandahin pa ito at dadagdagan ng maraming halaman at mga ibon  para maging makatotohanan ang pangalan nitong Manila Zoological and Botanical Garden.

 “Andun pa rin ‘yung mga hayop pero dadagdagan ko, ‘yung something na puwedeng mapag-aralan ng mga estudyante para maging mas kapaki-pakinabang,” ani  Moreno.

Isa sa nakakaawa aniya, ang elepanteng si ‘Mali’ na mas matanda pa sa kaniya.

Bukod sa mas kapaki-pakinabang pa ang mga halaman sa pag-aaral ng mga estudyante ay mahalaga na mas dumami ang halaman na tulong din para makabawas sa air pollution.

Itinayo ang Manila Zoo noong 1959 na nag-alaga sa may 90 ibat-ibang uri ng hayop kabilang ang kilalang si ‘Mali’.

vuukle comment

ISKO MORENO

MANILA ZOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with