^

Metro

East Zone, makakaranas ng 8-12 oras na rotational water interruption

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
East Zone, makakaranas  ng 8-12 oras na rotational water interruption
Pila-bal-de na naman ang maraming residente sa Metro Manila na naapek-tuhan ng rotatio-nal water interruption. Makikita ang mga residente na nagtitiyagang mabigyan ng tubig buhat sa mga firetruck sa Brgy. South Traingle sa Quezon City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pag-iimbak ng tubig ang kailangang paghan­daan na ng mga residente na nakatira sa East Zone area na sineserbisyuhan ng Manila Water sa Metro Manila.

Ito ayon kay Jeric Sevilla Jr., Group Head, Corporate Strategic Affairs and Head, Corporate Communications ng Manila Water ay dahil magpapatupad sila ng bagong scheme para sa rotational water service interruption para sa lahat ng nasa East Zone mula 8 hanggang 12 oras sa gabi.

Sinabi ni Sevilla na ang hakbang ng Manila Water ay bunsod ng pahayag ng National Water Resources Board na ibababa nito ang alokasyon sa mga concessionaires mula sa kasalukuyang 46 cubic meters per second (CMS) ay gagawin itong 40 CMS bilang paghahanda sa low-level outlet (LLO) dahil sa pagbaba ng water level sa Angat Dam na malapit ng umabot sa critical level na 160-meters.

Ang bagay na ito ayon kay Sevilla ay maa­apektuhan ang suplay ng tubig patungo sa kanilang treatment plants at mahihirapang makapag- refill sa kanilang reservoirs.

Bagamat wala pang takdang araw ng rota­tional water service interruption ang Manila Water ay nananawagan ang kompanya na maging handa ang lahat para makapag-imbak na ng tubig. Kahapon, umaabot sa 161.30 meters ang water level sa Angat dam, mas mababa sa 161.78 meters noong martes June 18.

vuukle comment

MANILA WATER

WATER INTERRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with