^

Metro

Angkas hulog sa motor, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 40-taong gulang na mister na naka-angkas sa motorsiklo ng kaibigan nang mahulog matapos sumalpok ang kanilang sasakyan sa sinusundang Toyota Hi-Ace at masagasaan ang biktima ng paparating na pampasaherong jeep sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Virgilio Balsomo Jr., machine operator, may asawa na residente ng Richland, Brgy. Talipapa, Quezon City.

Tinutugis naman ngayon ang kasama ng biktima na driver ng Suzuki Motorcycle (NC-87407)  na si  Jorill Gobres, alias ‘Buddy’.

Nakapiit naman sa QCPD District Traffic Enforcement Unit-Traffic Sector 6, ang mga suspek na sina Mark Jason Valdez, 22, binata, driver ng Passenger Jitney (THJ-841) at naninirahan sa   Sitio Kabuhayan, Valenzuela City, at Danilo Tanael, 47, driver ng Toyota Hi-Ace Van (WSF-3471).

Batay sa imbestigasyon, ang aksidente ay naganap dakong alas-6:20 ng gabi sa Mindanao Ave., malapit sa kanto ng Sauyo Road, Brgy. Talipapa ng nasabing lungsod.

Binabaybay umano ni Gobres kasama ang angkas na biktima ang Mindanao Ave., galing Tandang Sora patungong Quirino Highway, nang banggain nito ang Toyota Hi-Ace na minamaneho ni Tanael.

Dahil dito ay nahulog ang biktimang nakaangkas sa motorsiklo ni Gobres, at eksakto namang paparating ang minamanehong pampasaherong jeep ni Valdez at nasagasaan si Balsomo sa ulo na agad nitong ikinamatay.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with